Jazz pinasabog ang Rockets; Celtics dinaig ang Knicks

Naglambitin sa ring si Jazz guard Dante Exum matapos ang kanyang dunk.

SALT LAKE CITY — Na­glista si Derrick Favors ng 24 points at 10 rebounds mula sa bench para tulu­ngan ang Utah Jazz sa 118-91 panalo laban sa bi­sitang Houston Rockets.

Nalampasan ng Jazz ang pagkakasibak kay center Rudy Gobert para sa ika­apat na ratsada ng Utah sa huli nilang limang laro.

Nag-ambag si forward Joe Ingles ng 18 points at 6 re­bounds para sa Utah (13-13).

Nalimitahan naman si star guard James Harden sa 15 points kasunod ang tig-12 markers nina Chris Paul at Clint Capela sa pa­nig ng Houston (11-13).

Naglaro ang Jazz nang ha­los wala ang ka­nilang star­ting center na si Go­bert ma­tapos mapatalsik sa unang tatlong minuto sa first quarter dahil sa pag­reklamo sa tawag ng re­feree.

Sa Boston, umiskor si Ky­rie Irving ng 22 points ba­go niisan ang laro sa fourth period bunga ng  right shoulder injury, habang nagtala si Al Horford ng 19 points at 12 rebounds pa­ra igiya ang Celtics sa 128-100 paglampaso sa bi­sitang New York Knicks.

Nagdagdag si Jaylen Brown, nagbalik sa laro ma­tapos magkaroon ng bruised lower back, ng sea­son-high 21 points para sa Boston.

Tumipa naman si Jayson Tatum ng 17 markers pa­ra sa ikaapat na sunod na panalo ng Celtics at bi­nawian ang Knicks na tu­malo sa kanila noong Nob­yembre 21.

Pinamunuan naman ni Tim Hardaway Jr. ang New York mula sa kanyang 22 points, habang kumolekta si Enes Kanter ng 14 points at 11 rebounds.

Sa Portland, kumolek­ta si Damian Lillard ng 25 points at 8 assists bago ipi­nahinga sa final quarter pa­ra pamunuan ang Trail Bla­zers sa 108-86 paggu­po sa Phoenix Suns.

Tinapos ng Blazers ang kanilang three-game losing slump.

Nag-ambag si Jake Lay­man ng career-high 24 points para sa Portland na nai­suko ang anim sa huling pitong laban.

Show comments