Azkals sibak sa Vietnam sa AFC Cup
MANILA, Philippines — Tuluyan nang nakawala ang tsansa ng Philippine national football team sa AFF Suzuki Cup.
Ito ay matapos isuko ng Azkals ang 1-2 pagkatalo sa Vietnam sa second leg ng semifinal round ng torneo sa My Dinh National Stadium noong Huwebes ng gabi.
Nauna nang yumukod ang Philippine squad sa mga Vietnamese, 1-2, sa Bacolod City.
Bago ang nasabing kabiguan ay hinangad ng Azkals na maduplika ang kanilang “Miracle of Hanoi” kung saan nila tinalo ang Vietnam, 2-0, noong 2010.
Hindi pinaiskor ng Philippine squad ang host team sa first half, ngunit naisuko ang dalawang goals mula kina Nguyen Quang Hai (83rd minute) at Nguyen Cong Phuong (86th minute).
Naibigay naman ni James Younghusband ang una at huling goal ng Azkals sa 89th minute.
Dahil sa pagwalis sa Azkals sa kanilang dalawang laban ay umabante ang Vietnam sa final round bitbit ang 4-2 aggregate score.
Nakatakdang labanan ng mga Vietnam ang mga Malaysia, tumalo sa Thailand sa isa pang semifinal pairing.
- Latest