MANILA, Philippines — Noong Setyembre ay yumukod ang Team Pilipinas laban sa Iran, 73-81 sa Azady Gym sa Tehran sa pagsisimula ng fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sa Lunes ay may tsansa ang Nationals na resbakan ang mga Iranians sa fifth window ng Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sinabi ni national head coach Yeng Guiao na ang matagal na samahan ng mga players ng Iran ang bentahe ng Asian basketball powerhouse kumpara sa Team Pilipinas.
“When I coached the national team in 2009, the core of Iran have already been playing together,” wika ni Guiao. “Imagine being together for almost 10 years. That’s how they know each other. That’s the advantage Iran has.”
Ang mga tinutukoy ni Guiao ay sina 7-foot-2 NBA veteran Hamed Haddai, Nikkah Bahrami, Meisam Mirza, Sajjad Mashayekhi at Arsalan Kazemi.
Sa nasabing panalo ng mga Iranians kontra sa Nationals ay 56 segundo lamang pinaglaro si Haddadi, may iniindang groin injury.
“Iran really has the chance against Australia and China. They’re a tough match-up for us but we’ll have the home-court advantage, baka matsambahan natin iyan,” ani Guiao.
Kasalukuyan pang nilalabanan ng Team Pilipinas ang Kazakhstan kagabi habang isinusulat ito sa fifth window ng Asian Qualifiers sa MOA Arena.
Kung mananalo laban sa mga Kazakhs at Iranians ay makakatiyak ang Nationals ng tiket sa Top Three sa Group F papasok sa final window.
Lalabanan ng Team Pilipinas sa ‘away games’ ang Qatar sa Pebrero 21 at ang muling pagsagupa sa Kazakhstan sa Pebrero 24.