NU Pep Squad wagi sa cheerdance

Ang pamatay na stunt ng NU Pep Squad.
Kuha ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Bumangon mula sa hukay ang National University Pep Squad para muling mag­kampeon sa UAAP Cheerdance Competition ka­hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakamit ng NU Pep Squad, tumapos sa ikaapat na puwesto nong nakaraang taon, ang kanilang pang-limang titulo sa huling anim na taon.

Ibinulsa ng NU  ang prem­yong P50,000 kasu­nod ang Far Eastern Uni­ver­sity Cheering Squad (P30,000) at 2017 champions na Adamson Pep Squad (P20,000).

Ibinandera ng Sampa­loc-based cheerdancers ang Mexican holiday of Día de los Muertos o ang “Day of the Dead” mula sa isang 2017 animated film.

Pinahanga ng NU Pep Squad ang mga fans sa ka­nilang mga stunts, transitions at three-tier pyramids.

Ginamit ng FEU ang 1970’s inspired routine at itinampok ng Adamson ang isang Lion King-themed performance.

Show comments