KO

Napalaban si Randy Petalcorin nung Sabado sa Midas Hotel.

Mabigat ang kamay ng kalaban mula sa Nicaragua na si Felix Alvarado.

Ang resulta: knockout sa seventh round.

Maayos naman ang style ni Petalcorin. Marunong magpatama. Pero kinaya ni Alvarado ang mga suntok niya.

Kaya sa mga unang round pa lang ay kinutuban na ako sa ringside ng kanilang laban para sa IBF light-flyweight title.

Pinasok ni Petalcorin si Alvarado. Pero imbes na masindak, lumakas lang ang loob ng Nicaraguan.

Dun pa lang, naramdaman na niyang kaya niyang dalhin ang suntok ng Pinoy. Kaya mula sa second round, siya na ang nagdala ng laban.

Maraming tinanggap na suntok ang bata natin at mahaba-haba rin ang tinagal niya. Pero nakita ko na palalim nang palalim ang hinga ni Petalcorin.

Kaya sa seventh round, nung pagtatamaan sa taas at baba, bumagsak na. Bumangon at bumagsak ulit. Bumangon at bumagsak ulit.

Tatlong knockdowns. Hindi na kinaya.

Kahit anong lakas ng sigaw ng mga kapwa Pinoy sa Midas Hotel ay hindi kinayang iligtas si Petalcorin laban kay Alvarado.

“Ran-dee! Ran-dee!” ang hiyaw nila

Walang nagawa si Randy.

Show comments