Petalcorin handa nang harapin si Alvarado

Randy Petalcorin at Felix Alvarado

MANILA, Philippines — Malakas ang tiwala ni Randy Petalcorin na mag­wagi kontra kay Felix Alvarado ng Nicaragua sa kanilang laban para sa bakanteng IBF World Lightflyweight title ngayong Oktubre 29 sa Midas Hotel and Casino Tent sa Pasay City.

“I have worked so hard to prepare for this fight and claim the world title. I have been so prepared and will remain focused despite this small setback. I am so hungry for a world title belt.  Alvarado's record is very impressive but I will treat this fight as a matter of life and death. I will go for the win,” sabi ni Petalcorin.

Si Petalcorin ay mayroong 28-2-1 record, kabilang na ang 22 knockouts. Nanalo si Petalcorin  sa huli niyang anim na laban, ang pinakahuli ay kontra kay Jade Yagahon noong Mayo sa South Cotabato.

Mabigat na kalaban din si Alvarado sa kanyang 33-2 record, 29 dito ay  knockouts. Ang Nicaraguan boxer ay nanalasa rin sa 15-match winning streak, ang huli ay via  stoppage laban kay  Ivan Me­neses Flores noong Abril sa Managua, Nicaragua.

Kabilang sa preparas­yon ni Petalcorin ang ensayo sa Sanman Gym sa General Santos City sa pag-aalaga ni head trainer Fernando Lumacad at assistant coaches Jonathan Baat at  Marquil Salvana.

Kahit pa nagkaroon na siya ng mahigit 110 rounds sparring sa apat na boxers patuloy pa rin ang kanyang matinding paghahanda para sa world title fight.

“I am in the best shape so far. I have sacrificed a lot and gave my everything for this fight. Alvarado is a world-class fighter but fights are won in the gym and I am confident I am 100% ready. On October 29, I will get that world title belt and will become a world champion once again,” dagdag ni Petalcorin.

 Ang laban ay bukas sa publiko at ipapalabas ng  live sa ESPN5 sa alas-7 ng gabi habang ang undercards ay ipapalabas sa  AkysonTV mula sa alas-4 ng hapon. Ang laban ay ipinagkaloob ng ESPN5 Boxing, MP Promotions, Sanman Promotions at  Peter Maniatis Events.

Show comments