^

PSN Palaro

Divine kumubra ng bronze

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Divine kumubra ng bronze
Ito ay matapos matalo si Divine Wally sa kanyang semifinals match laban kay Mansoryan Samiroumi Elaheh ng Iran sa women’s -52kg. sanda kagabi sa 18th Asian Games dito sa Jakarta International Expo.
Facebook Photo

JAKARTA — Isang bronze medal ang muling nakuha ng Pilipinas mula sa wushu.

Ito ay matapos matalo si Divine Wally sa kanyang semifinals match laban kay  Mansoryan Samiroumi Elaheh ng Iran sa women’s -52kg. sanda kagabi sa 18th Asian Games dito sa Jakarta International Expo.

Sa likod ng pagbu­bunyi ng Pilipinas sa gintong me­dalyang hatid ni weightlifter Hidilyn Diaz kamakalawa ng gabi, nakasiguro ng bronze si Wally matapos  ang 2-0 panalo laban sa local  bet na si Selviah Per­tiwi, 2-0 sa quarterfinals.

Ang medalya ng 23-gulang na si Wally ang ika-lima  ng Pinas at  dagdag sa gold ni Diaz at apat na bronze ng Pinoy athletes - dalawa sa men’s at wo­men’s poomsae teams, isa mula sa kapwa niya wushu ar­tists na si Agatha Wong at isa mula kay taekwondo jin Pauline Lopez.

Naunang tinalo ni Wally, gold medalists noong 2015 World championships, 2016 Asian champion­ships at sa 2017 SEA Games  si Japanese Mimi Yoysay­kham, 2-0 sa round-of-8.

Umabot naman ang kanyang kasamahang si Jean Claude Saclag sa quarterfinals ngunit sinibak ni Surya Bhanu Barthap ng India, 0-2 matapos ang 2-0 panalo kay Iat San Mio ng Macau sa round-of-16.

Sa quarterfinals lang din umabot ang taekwondo jin na si Samuel Thomas Morison. At nasibak agad sa kanyang round-of-16 match si Francis Agojo  sa taekwondo competition sa Jakarta Convention Center.

Sa softball, naitala ng RP Blu Girls ang ikaapat na panalo sa 5-laro matapos  ang 4-0 win kontra sa Indonesia ngunit may laban pa sila kontra sa Chinese Taipei kagabi.

Kailangang manalo ng mga Pinay sa Taipei at mag-top two para makasiguro ng bronze medal.

Sa semis round, mag­haharap ang No. 1 at No. 2 teams gayundin ang No. 3 at No. 4. teams kung saan ang matatalo sa No. 1 at No. 2 ay haharap sa mananalo sa No. 3 at No. 4 para sa bronze medal match. Ang mananalo naman sa No. 3 at 4 ay haharap sa winner na labanan ng top two teams para sa gold medal match.

Sa volleyball, tangka ng Phl Lady Spikers na makabangon sa straight sets loss kontra sa Thailand at Japan sa pagharap sa Hong Kong ngayong alas-12:30 ng tanghali (1:30 Manila Time) sa GBK Indoor court.

vuukle comment

DIVINE WALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with