Jet ski ganap nang pro sports sa GAB
MANILA, Philippines — Opisyal nang isinama ng Games and Amusement Board (GAB) ang jet ski sa listahan ng mga professional sports.
Sa resolusyon na ipinalabas ng GAB, ang jet ski racing competition at ibang motorized water sports na sinasalihan ng mga professional riders na may regular salary ay sanctioned ng GAB.
“All professional sports participated by professional athletes with regular salaries shall comply with permitting and licensing requirements by GAB,” sabi ni GAB Chairman Abraham Mitra sa regular meeting sa mga miyembro ng TOPS.
“It is proper and logical all professional sports should comply with the requirements before allowing them to conduct their tournaments,” wika ng dating Palawan Governor at Congressman.
Ang pagkilala sa jet ski bilang professional sport kasabay ng pagdaraos sa first Cebu Jet Ski Invitational Race na gagawin ngayong araw sa Kawit Point, sa South Road Properties sa naturang lalawigan tampok ang local at foreign riders.
Sinabi rin ni Mitra na ang mga GAB personnel ang magsu-supervise sa torneo para masigurong maayos na mapatakbo ang naturang mga laro.
Sinupervise din ng GAB ang ibang professional sports tulad ng boxing, basketball, football, billiards, golf, motocross at triathlon/multi sports.
Sa kaugnay na balita, sinabi ni Mitra na ang mga boxers kasama si world champion Jerwin Ancajas ay makikipagtagisan sa pagbuslo sa bola sa mga reporters sa “King of Threes sa Three-Point shootout ngayong araw sa Food at Court sa Pasay City.
“Hindi suntukan sa ring kailangan din ng mga boxers na maging aktibo sa ibang sports to foster friendship, camaraderie, and harmony with other athletes outside boxing,” sambit pa ni Mitra.
Si Ancajas ay tinanghal na PSA Athlete of the Year kasama si world billiards champion Carlo Biado at world bowling queen Lyn Khrizzia Tabora.
- Latest