Brownlee, Balkman bakbakan para sa korona
MANILA, Philippines — Natural lamang na pumagitna ang mga imports sa best-of-seven championship series ng 2018 PBA Commissioner's Cup.
Magtatapat ang magkaibigan na sina Justin Brownlee at Renaldo Balkman sa salpukan ng Barangay Ginebra at nagdedepensang San Miguel para sa korona ng mid-season conference na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Nagposte si Brownlee ng mga averages na 28.08 points, 12.5 rebounds, 6.6 assists, 2.1 steals at 1.2 blocks para sa Gin Kings samantalang humataw naman si Balkman ng 28.07 points, 12.7 rebounds, 4.3 assists, 1.7 steals at 2.2 blocks averages per game sa panig ng Beermen.
Nagtuwang sina Brownlee at Balkman na maihatid ang SMB-Alab Pilipinas para sa korona ng nakaraang Asean Basketball League laban sa Mono Vampire ng Thailand.
Hindi inaasahan ng 6-foot-7 na si Brownlee na magsasagupa sila ni Balkman sa PBA Finals.
“Just a couple of months ago, me and him were like Batman and Robin,” wika ng 30-anyos na si Brownlee, iginiya ang Ginebra sa back-to-back titles ng PBA Governor's Cup noong 2016 at 2017 laban sa Meralco, sa salpukan nila ng 34-anyos na si Balkman.
Matapos ang ABL season ay naglaro si Brownlee sa Gin Kings, nahulog sa 1-5 baraha, para palitan si 6'9 Charles Garcia habang sinapo ni Balkman ang trabaho ni Troy Gillenwater para sa Beermen.
“They're gonna be mortal enemies out there by the time it's done and good,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone kina Brownlee at Balkman. “They're former teammates, but I think they're really gonna go at each other.”
Sa tulong ni Brownlee, isang undrafted player noong 2013 NBA Draft, ay naipanalo ng Ginebra ang 10 sa kanilang sumunod na 11 asignatura.
Noong Setyembre 30, 2013 ay pinapirma si Brownlee ng kontrata bago magsimula ang NBA 2013–14 season.
Ngunit noong Oct. 2 ng nasabing taon ay binitawan siya ng Knicks at naging isang free agent matapos ang dalawang araw.