MANILA, Philippines — Iitnakbo ni Jessel Lumapas ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos manguna sa girls 200-m dash para sa ika-5 ginto ng Team Philippines sa 2018 ASEAN Schools Games noong Lunes ng hapon sa Mini-Stadium sa Bukit Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia.
Nagtala ang 17-anyos na si Lumapas ng 25.03 segundo sa girls 200-m event at nag-iisang Pinay na double gold medalist sa kumpetisyon.
Ang una niyang ginto ay mula sa 400-m run sa oras na 57.46 segundo.
Muling tatangkain ng Grade 11 estudyante ng Nazareth School of National University na dagdagan pa ng isang ginto ang kabuuang napanalunan sa huli niyang event na 4x100-m relay.
Ang kanyang teammate na si Decerie Jane Niala ay tumapos sa silver sa 25.07segundo habang ang Indonesian na si Nuryanti Erna ay may 25.25 segundo para sa bronze.
Habang sinusulat ang istoryang ito, ang host Malaysia ay nakakuha na ng 23 ginto, 24 pilak at 19 tanso kasunod ang (19-17-22), Thailand (12-16-19), Vietnam (12-7-6) at Singapore (6-8-10) habang ang Pilipinas ay pang-anim lamang sa limang gintong medalya, limang pilak at 10 tanso.