Mojdeh, Luistro nanguna sa MOS awardees
MANILA, Philippines — Ginawaran ng Most Outstanding Swimmer (MOS) awards ang 16 mahuhusay na swimmers na nanguna sa kani-kanilang dibisyon sa ginanap na 138th PSL Leg Series-1st Migz Villafuerte Long Course Swimming Meet sa Freedom Sports Complex sa San Jose Pili sa Camarines Sur.
Pinangunahan nina Palarong Pambansa veterans Micaela Jasmine Mojdeh at Trump Christian Luistro ang listahan ng mga awardees sa torneong suportado ng MX3, DMI Medical Company at sina Camsur sports director Lucita Ano at Elmer Nuyda.
Nangibabaw si Luistro sa boys’ 10-year event habang namayagpag naman si Mojdeh sa girls’ 12-year category.
Ibinulsa naman nina Alnessie Amaro (7), Tenshi Diaz (8), Shiloh Advincula (9), Richaile Telebangco (10), Alea Tence (11), Ma. Veronica Soriano (13), Zyrilyn Anonuevo (14) at Lhaarny Agnas (15-over) ang gold girls’ class.
Ang iba pang MOS winners sa boys’ division ay sina Kirsten Agao (9), Jose Amaro (11), Lee Grant Cabral )12), Abert Sermonia II (13), Aljhun Alegre (14) at Henrico Soriano (15-over).
Tatlong tankers mula sa Camsur Sports Academy ang pinangalanan ni PSL president Susan Papa para sumabak sa Singapore Invitational Swimming Championship na gaganapin sa Singapore sa Agosto 25 hanggang 26.
Ito ay sina Ma. Veronica at Henrico kasama si Agnas na pare-parehong nagpasiklab sa kani-kanilang events.
“We are happy to announce that we have selected them to compete in Singapore this August. We will be naming a few more in our next competitions,” wika ni Papa.
- Latest