^

PSN Palaro

Perpetual kumpiyansa sa kampanya sa 94th NCAA season

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni University of Perpetual Help Dalta System president Anthony Tamayo sa matagumpay na kampanya ng Altas sa 94th Season ng National Colle­giate Athletic Association (NCAA) na magbubukas sa Hulyo 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I have faith that we will do good this season in many fronts, we have high expectations,” sabi ni Tamayo, ang NCAA president at host para sa darating na season.

Umaasa si Tamayo na mauulit ng Perpetual ang ma­gandang performance sa nakaraang 1996 at 1997 Sea­sons kung saan nasungkit ng koponan ang general championships trophy.

Bukod sa basketball at volleyball, kumpiyansa rin si Ta­mayo sa magandang pagpapakita ng kanilang track and  field team sa pangunguna nina Francis Medina at Er­nie Calipay na nag-uwi ng gintong medalya mula sa 2018 Ayala Philippine National Open and Invitational Athletics Championships sa Ilagan City, Isabela.

Inaasahan ni Tamayo ang magandang kampanya ng basketball team na gagabayan ng bagong coach na si Frankie Lim at sa volleyball team sa paggiya ni multi-titled coach Macky Cariño.

Kinuha rin ng Altas si dating Philippine Azkals player Chieffy Ca­ligdong para pangalagaan ang kanilang football team program.

“We want coaches who have a culture of winning like coaches Frankie Lim and Chieffy Caligdong who are both experts in the field to translate our campaign in­to championships if not now, in the near future,” ani Tamayo.

Pinaghandaan ng Perpetual ang kanilang hos­ting pa­ra sa 2018-2019 Season at tiniyak ni Tamayo ang ma­gandang opening ceremonies.

ANTHONY TAMAYO

NATIONAL COLLE­GIATE ATHLETIC ASSOCIATION

PERPETUAL HELP DALTA SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with