E-Painters dinala ni Tiu sa q’finals
MANILA, Philippines — Hindi siya sina Stephen Curry, Klay Thompson o Kevin Durant ng Golden State Warriors.
Ngunit ipinakita ni team captain Chris Tiu na kaya niyang magsalpak ng malalaking three-point shots sa fourth quarter para tulungan ang Rain or Shine na resbakan ang Blackwater, 104-94 sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Tiu na may 17 points, tampok ang 5-of-8 shooting sa 3-point line, 10 assists at 7 rebounds.
“We don’t want to look too far ahead. We just want to focus on one game at a time actually one practice at a time. We’re trying to keep getting better, individually and as a team,” sabi ni Tiu.
Ang ikaapat na sunod na panalo ng Elasto Painters ang opisyal na nagpasok sa kanila sa eight-team quarterfinals cast para sa 7-1 record.
Nadiskaril naman ang hangad na back-to-back win ng Elite (1-8) at tuluyan nang napatalsik sa torneo.
Samantala, pilit na bubuhayin ng Baragay Ginebra ang kanilang tsansa sa quarterfinals sa pagharap sa NLEX ngayong alas-5 ng hapon sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City.
- Latest