MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay nakapasok si head coach Bong Ramos sa PBA Press Room.
Winakasan ng Blackwater ang kanilang pitong sunod na kamalasan matapos bumangon mula sa 14-point deficit at lusutan ang Magnolia, 86-84 para sumilip ng tsansa sa eight-team quarterfinals cast ng 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon.
Ang slam dunk ni import Henry Walker sa natitirang 3.4 segundo sa fourth quarter ang nagbigay sa Elite ng una nilang panalo matapos ang 0-7 panimula habang nalasap ng Hotshots ang ikalawa nilang dikit na kabiguan para sa 3-3 baraha.
“The team is improving little by little. Every game we have a positive achievement and I keep on telling them just continue dahil makukuha rin natin ‘yan,” sabi ni Ramos, nakahugot kay 6-foot-8 Poy Erram ng 19 points at 15 rebounds.
Ipinoste ng Magnolia ang 14-point lead, 35-21 mula sa three-point shot ni Paul Lee sa 8:20 minuto ng second period hanggang maagaw ng Blackwater ang 69-61 bentahe sa pagtatapos ng third quarter.
Sa naturang yugto ay umiskor ang tropa ni Ramos ng 29 points kumpara sa 13 ng koponan ni mentor Chito Victolero.
Isang 12-0 atake ang inilunsad ng Hotshots para angkinin ang 73-69 bentahe sa 9:29 minuto ng final canto.
Ang drive ni Mike DiGregorio at layup ni Erram ang nagtabla sa Elite sa 84-84 kasunod ang dunk ni Walker sa natitirang 3.4 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.
Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang nagdedepensang San Miguel Beer at Colombian Dyip habang sinusulat ito.
BLACKWATER 86 - Erram 19, Maliksi 16, DiGregorio 11, Walker 11, Sumang 8, Zamar 8, Pinto 6, Al-Hussaini 5, Belo 2, Sena 0, Jose 0, Palma 0.
MAGNOLIA 84 - Barroca 16, Simon 12, Kelly 12, Reavis 11, Jalalon 8, Brondial 7, Melton 6, Dela Rosa 5, Lee 3, Herndon 2, Pascual 2, Ramos 0.
Quarterscores: 19-27, 40-48, 69-61, 86-84.