^

PSN Palaro

30 Pinoy riders mapapalaban sa Le Tour de Filipinas

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 30 Filipino riders sa pangunguna ni national champion Jan Paul Morales ang makikipagtagisan ng husay laban sa 50 foreign cyclists sa mas pinalaking Ninth Le Tour de Filipinas na magsisimula sa Linggo sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City at  matatapos sa Burnham Park sa Baguio City sa Miyerkules.

Kasama ni Morales, ang leader ng Philippine Navy-Standard Insurance team, si Ronald Oranza na isa ring malakas na siklista sa kumpetisyon na inihandog ng Air21, Cignal at Cargohaus Inc. at inoorganisa ng Ube Media Inc.

“We will give our best in the Le Tour. We have been training hard and we will surely give the foreigners a tough fight,” sabi ng 32-year-anyos na si Morales.

Kabilang sa makikipagsapalaran sa four-stage International Cycling Union race, ang mahigit 17 teams mas higit ng dalawa sa nakaraang taon.

“This will be an exciting edition of the Le Tour de Filipinas because there are more Filipino riders seeing action this time around,” ayon kay Philcycling president at Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang ibang malalakas na Filipino riders ay sina Marcelo Felipe, Rustom Lim at 2014 champion Mark John Lexer Galedo ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines, Mark Julius Bonzo at Alfie Catalan ng  Team CCN Philippines, Ronnel Hualda at Boots Ryan Cayubit ng Go For Gold, George Oconer at Jerry Aquino Jr. ng Philippine National Team at Lloyd Lucien Reynante para sa Bike Extreme Philippines kasama si Chris Joven.

FILIPINO RIDERS

JAN PAUL MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with