Depensa gagamitin ng Warriors sa Rockets sa Game 1

James Harden at Stephen Curry

HOUSTON-- Ang hu­ling pagkakataon na lu­mabas ang Golden State Warriors palabas ng Toyota Center tatlong buwan na ang nakakalipas ay umiskor sina James Harden at Chris Paul ng pinagsamang 55 points.

Ngunit sa nakaraang buwan ay ipinakita ng Warriors ang mahigpit nilang depensa na siyang nagbi­gay sa kanila ng dalawang NBA championships sa huling tatlong taon.

Kumpiyansa ang Warriors na mapipigilan nila sina Harden at Paul sa panig ng Rockets.

Ngunit madali itong sabihin kesa gawin.

Sa tatlong beses nilang pagkikita sa regular season ay nagbigay ang Golden State sa Houston ng 114.6 points.

Sa 11-game stretch mula noong Disyembre 6 hanggang 29 nang may injury si Stephen Curry ay naglista ang Warriors ng 98.7 defensive rating.

Ngunit matapos ang All-Star break ay lumaylay ang depensa ng Golden State.

Ito ay dahil na rin sa injury nina Curry, Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson.

Sa huli nilang 17 laro ay nahulog ang Warriors sa ilalim ng defensive ra­ting (106.4) at defensive rebounding (33.5).

“Our defense was really bad,” sabi ni Golden State coach Steve Kerr.

Ito na ang pinakamasamang defensive rating sa ilalim ni Kerr.

Sa kanyang apat na seasons ay hindi bumaba ang Warriors sa No. 4 sa defensive efficiency.

“We’re so talented at times we can get aloof,” pahayag  naman ni Thompson.

Show comments