^

PSN Palaro

CV,WV dinomina ang PRISAA

Pilipino Star Ngayon

TAGBILARAN, Bohol, Philippines — Muling pinatunayan ng Central Visayas at Western Visayas na sila ang kinikilalang pinakamagaling sa 2018 National PRISAA Games na ginawa sa Carlos P. Garcia Sports Complex sa Tagbilaran, Bohol.

Komolekta ang Central Visayas ng 44 golds sa weightlifting at 9 golds, 2 silvers at 6 bronzes.

Karamihan naman sa mga medalyang nakuha ng Western Visayas ay sa athletics 22-8-9 at swimming, 16-29-9 at pitong beses nanalo sa women softball nang igupo ang Region XII, 8-4 sa dalawang extra innings.

Tulad ng inaasahan maraming atleta ang natuklasan sa iba't bang sports at ang naging instant celebrity ay ang 13 years old swimming sensation na taga-Iloilo na si Stefany Louise Sa-Ac na nanalo ng pitong ginto at ang Cebuanang si Melody Perez, nagreyna sa oval nang manalo sa 3,000m, 5,000m at 10,000m.

Kilala bilang breeding ground of sports stars past and present, hindi mabilang ang natuklasan kasama sina Julie Marie Occeno, Romeo Renzo Teodoro, Gios de Vera, Sharlaimane Harris, Rocky Ramos, Marco Pomar, Seth Gentallan, Suganob brothers, Rodel at Regie, Gerald, Baclaan, Razel Cabajar, Francen Cagape, Tracy Lyn Basalo, at Jun Jun Domingo bukod kay Sa-Ac at Perez.

Pinalakas ng mga atleta sa Cebu, humakot ang Central Visayas ng 143-65-53 at kinuha ang pang anim na sunod na titulo sa senior division habang dinomina ng Western Visayas ang mga atleta galing sa Iloilo at Bacolod  at  youth division na may kabuuang medalya 135-63-45 total medals.

Dinomina ng Central Visayas ang dance sports at martial arts kasama ang taekwondo ng kumolek­ta ng 38-21-11 medalya sa swimming, weightlifting 15-6-4, karatedo 14-5-6, tennis 12-2-2  at table tennis 11-5-2.

2018 NATIONAL PRISAA GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with