^

PSN Palaro

Cavs kinana ang Central Title

Pilipino Star Ngayon
Cavs kinana ang Central Title
Iniwanan ni LeBron James ng Cavs si Courtney Lee ng Knicks sa aksyong ito.

NEW YORK — Kumo­lekta si LeBron James ng 26 points at 11 assists habang umiskor si Kevin Love ng 28 points para pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa 123-109 paggupo sa Knicks.

Ito ang ika-50 panalo ng Cavaliers at isa na namang Central Division title.

Kalahating laro na lamang ang agwat ng Cleveland sa Philadelphia para sa No. 3 spot sa Eastern Conference.

Naitala ng Cavaliers ang pang-50 panalo sa ikaapat na pagkakataon sa huling apat na seasons sapul nang bumalik si James mula sa Miami Heat at ika-11 sa franchise history.

Nagdagdag sina J.R. Smith at Jordan Clarkson ng tig-16 points para sa Cavaliers, nagsalpak ng 19 three-pointers at nanalo sa ika-siyam na sunod na pagkakataon sa Madison Square Garden.

Tumipa naman si Michael Beasley ng 20 points sa panig ng Knicks sa kanilang final home game ngayong season habang nag-ambag si rookie Frank Ntilikina ng career-high 17 markers na iniskor din ni Courtney Lee.

Naglaro ang New York na wala sina injured starters Tim Hardaway Jr. at Enes Kanter.

Sa San Antonio, nagtala si Rudy Gay ng 18 points, samantalang nagdagdag si Manu Ginobili ng 17 mar­kers para akayin ang Spurs sa 98-85 panalo laban sa Sacramento Kings at a­ngkinin ang kanilang ika-21 sunod na postseason appearance.

Kinuha ng Sacramento, nauna nang nasibak sa postseason noong March 11, ang 14-point lead bago nalimitahan sa 19 points sa fourth quarter kung san humataw ang San Antonio ng 38 markers.

Pinamunuan ni Willie Cauley-Stein ang Kings mula sa kanyang 25 points at 10 rebounds kasunod ang 21 at 17 markers nina De’Aaron Fox at Buddy Hield, ayon sa pagkakasunod.

CLEVELAND CAVALIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with