Vargas: Olympic body ang uunahin
MANILA, Philippines — Sa kanyang unang araw sa pag-upo bilang bagong presidente ng Phlippine Olympic Committee, agad umanong tututukan ni Ricky P. Vargas ang pag-aayos sa Olympic body.
“There are many things that we will be discussing that needs immediate actions. We will make changes for the athletes. Our victory is for Philippine sports and to our sathletes. As chairman Rep. Abraham Tolentino said, reconciliation is very important at this point and working with the PSC, reconciling with all that this process has gone through,” ayon kay Vargas.
Sinabi pa ni Vargas na bibigyan din niya ng rekognisyon ang mahabang 13 taon na paglilingkod ni Jose Cojuangco bilang pangulo ng POC.
“We are committed to the athletes. We are going to make it happen and set things right,” dagdag ni Vargas.
Ang 65-anyos na si Vargas, presidente ng Alliances of Boxing Association of the Philippines (ABAP) ay nahalal bilang pangulo ng POC sa isinagawang special election kung saan umani siya ng 24 boto laban sa 15 ni Cojuangco noong Biyernes sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
Ang kanyang running mate na si Tagaytay Rep. Bambol Tolentino ng Philcycling ay nagwagi rin laban kay Ting Ledesma ng table tennis, 23-15.
Si Vargas ay ika-10 presidente ng POC kasunod nina Ambrosio Padilla (1975-1976), Nerio Andolong (1977-1980), Julian Malonso (1980), Michael Keon (1981-1984), Jose Sering (1985-1992), Rene Cruz (1993-1996), Cristy Ramos (1987-1989), Celso Dayrit (1999-2004) at Jose Cojuangco (2005-2018).
Related video:
- Latest