^

PSN Palaro

Barrios kursunada si Romeo

Pilipino Star Ngayon

Isama sa 3x3 world cup

MANILA, Philippines — Personal na inimbita­han ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios si Gilas Pilipinas at Globalport standout Terrence Romeo para pangunahan ang kampanya ng bansa sa FIBA 3x3 World Cup sa Manila sa Hunyo 8-12.

Nagkita ang 25-anyos na si Romeo at si Barrios matapos ang 78-70 panalo ng Globalport laban sa Rain or Shine sa PBA Philippine Cup noong Biyernes sa MOA Arena.

Tiniyak ni Romeo, ka­salukuyang nasa injured list habang sumasailalim sa therapy para sa isang bruised right knee, ang kanyang kahandaang maglaro matapos ang first conference.

Nakuha ni Romeo ang right knee injury sa nakaraang FIBA Asia Cup sa Lebanon noong Agosto.

Sa 96-87 panalo ng Gilas laban sa China sa pagsisimula ng torneo ay umiskor si Romeo ng 26 points, tampok dito ang 5-of-7 triples.

Matapos ang FIBA meet ay naglaro si Romeo ng anim na laban ng Globalport noong 2017 Governors’ Cup kung saan wala siya sa kanyang pamatay na kondisyon.

Inamin ni Romeo na hindi pa siya makakapag­laro ngayong conference at tiniyak na hindi kailangan ang surgery para sa kanyang knee injury.

Bunga ng injury ay hindi nakapaglaro si Romeo para sa Gilas sa unang home-and-away window ng FIBA Asa/Pacific qualifiers para sa 2019 FIBA World Cup.

Isinama si Romeo sa 16-man list na inaprubahan ng PBA para sa ikalawang home-and-away window sa susunod na buwan.

Ngunit ibinigay na lamang ni Romeo ang kanyang silya sa ibang player.

Ayon kay Romeo, magiging handa siya para sa ikatlong qualifying window laban sa Chinese-Taipei sa Taiwan sa Hunyo 29 at kontra sa Australia sa Pilipinas sa Hulyo 2.

Maglalaro din siya sa FIBA 3x3 World Cup sa Hunyo 8-12 kung saan makakarap ng Pilipinas ang mga men’s teams ng Brazil, Canada, Russia, Japan at defending champion Serbia.

Sa women’s division naman mapapanood ang US, Argentina, China, France, Iran, Italy, Spain at defen­ding champion Russia.

Sina Romeo, Aldrech Ramos, KG Canaleta at Rey Guevarra ang bumuo sa Manila West squad na kumuha sa FIBA World Tour 3x3 Masters title sa Manila leg noong Hulyo ng 2014. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with