MANILA, Philippines – Nakahandang kasuhan ni UFC president Dana White si Manny Pacquiao kung patuloy niyang kakausapin si Conor McGregor para sa isang laban.
Sinabi ni White na hindi dapat dumirekta si Pacquiao ay McGregor dahil nakakontrata pa ang MMA fighter sa mixed martial arts promotional company.
“That would be weird because he’s (McGregor) under contract with us,” pahayag ni White matapos ang UFC Fight Night 123 sa Fresno, California.
Inamin ni Pacquiao na nakipag-usap na sila sa kampo ni McGregor para sa posibleng bakbakan sa Abril 2018.
Bago nito ay nag-post ang eight-division champion sa kaniyang social media account ng larawan ni McGregor noong Thanksgiving Day.
“If that’s true, I will be suing Manny Pacquiao and whoever’s representing him. So, I’m assuming that’s not true,” patuloy ni White.
Mula nang matalo kay Australian boxer Jeff Horn nitong Hulyo ay hindi pa ulit sumasabak sa gitna ng ring si Pacquiao.
Huli naman lumaban si McGregor kay Floyd Mayweather kung saan kahit natalo ay nakapag-uwi naman siya ng $100 milyon.