Brownlee humugot ng inspirasyon sa Ginebra fans
MANILA, Philippines — Sa kanyang basketball career ay ngayon lamang naglaro si Barangay Ginebra import Justin Brownlee sa harap ng 34,445 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Linggo.
Kumolekta si Brownlee ng 20 points, 12 rebounds, 5 assists, 3 steals at 1 block sa 84-75 panalo ng Gin Kings laban sa Meralco Bolts sa Game 5 ng 2017 PBA Governor’s Cup Finals.
Ang panalo ang nagbigay sa Ginebra ng 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Meralco para makalapit sa inaasam na ika-10 korona.
“36,000 people and it still looked like it wasn’t full, did it?” sabi ni Gin Kings’ head coach Tim Cone.
Ito ang ikatlong pagkakataon na naglaro ang Gin Kings sa Philippine Arena matapos ang pagbubukas ng 42nd season noong 2014 kung saan sinaksihan ng 56,612 patrons ang laro ng Ginebra at TNT Katropa at ang paghaharap ng Kia at Blackwater.
Ang laro ng Ginebra at Meralco sa Game Five ang sumapaw sa bilang na 24,883 fans na nanood sa Game Seven ng 2013-14 Philippine Cup semi-finals sa pagitan ng Gin Kings at Star Hotshots.
- Latest