^

PSN Palaro

Hosting ng 2019 Manila SEAG tuloy?

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang pagho-host ng 30th Southeast Asian Ga­mes dito sa Pilipinas sa darating na 2019.

Nabuhay muli ang interes sa hosting ng 2019 SEA Games matapos mag-usap  sina Presidential Management Staff Sec. Lawrence ‘Bong’ Go at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano tungkol sa hosting ng bansa sa nasabing biennial meet.

Ipinaliwanag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa pagtitipon ng mga malalakas na gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kamakailan nang tinanong siya nina Sec. Cayetano at Sec. Go kung susuportahan ba niya ang hosting ng bansa sa 2019 SEA Games.

“Ang sagot ko ay yes. Pero, sina Sec. Cayetano at  Sec. Bong Go na ang gagawa ng final announcement,” sabi ni Ramirez.

Sa balak na ituloy ang SEAG dito, sina Cayetano at Bong Go na mismo ang makikipag-usap kay Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco at sila na rin ang gagawa ng final announcement, ayon pa kay Ramirez.

Sinabi pa ni Ramirez na kahit si Sen. Juan Miguel Zubiri ay sumang-ayon din na ituloy ang 2019 SEAG dito sa Pilipinas.

Sa isinagawang PSC Board Meeting kahapon, la­hat ng mga commissioners na sina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin ay sang-ayon din sila na ituloy ang hosting ng SEAG sa bansa.

Kasama umano sa meeting sa Malacañang sina Cabinet Sec. Leoncio Ebasco, Transportation Secretary Arthur Tugade, DPWH Sec. Mark Villar, Sec. Bong Go at Sec. Ca­yetano.

Sinabi  naman ng isang insider sa Malacañang na ang pakikipagpulong ni Cayetano at Go kay Cojuangco ay may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with