MANILA, Philippines - Lima pang manlalaro mula sa University of Perpetual Help Altas sa pangunguna ng magkapatid na sina Rey at Reland Taneo ay idinadagdag sa 25-man pool ng Philippine National team na sasabak sa “Clash of Heroes” sa Lunes sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.
Bukod sa magkapatid na Taneo, ang tatlo pang iba ay sina Bonjomar Castel, Jack Kalingking at Ismael Kasim ang isinama ni men’s national team head coach Sinfronio “Sammy” Acaylar sa mga naghahangad na makasali sa darating na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto 19 hanggang 31.
Ang “Clash of Heroes” ay paligsahan ng mga magagaling na volleyball Spikers ng bansa na pagpipilian para sa national team na sasali sa SEA Games.
Mag-umpisa ang men’s aspirants selection sa alas-4 ng hapon at mapanood via ‘livestream’ sa coverage ng Sports TV 5. Ito ay isa sa tatlong-leg series, ang iba ay gaganapin sa Cebu at Davao City.
Kasama sa kumpletong roster sa Manila Leg (Team Rajah) sina Relan Taneo, (UPHSD), Ranran Abdilla (PAF), Dave Cabaron (SWU), Eddiemar Kasim (DLSU-Dasma), Johnvic De Guzman (CSB), Reyson Fuentes (PAF), Peter Torres (Cignal), Kenneth Sarcena (SWU), John Paul Bagaoan (FEU), Louwie Chavez (PAF), Mark Deximo (CSB) at Erickson Ramos (Cignal).
Magiging basehan sa selection process ang skills, attitude at kung papaano sila makikipag communicate sa ibang manlalaro.