^

PSN Palaro

Binasag ni Westbrook triple-double record ni ‘big o’

Pilipino Star Ngayon

DENVER--Kinumpleto ni Russell Westbrook ang kanyang history-making 42nd triple-double sa season sa pamamagitan ng isang game-winning three-pointer.

Ang nasabing triple ni Westbrook ang nagtakas sa Oklahoma City Thunder laban sa Nuggets, 106-105.

Tumapos si Westbrook na may 50 points, 16 re­bounds at 10 assists para sirain ang single-season triple-double record na itinala ni Oscar Robertson noong 1961-62 campaign.

“It’s something you dream about as a little kid to be able to do that on the road, especially from that distance,” wika ni Westbrook.

Ito ang pang-50-point triple-double ni Westbrook ngayong season na isa ring NBA record.

Nauna nang nakasama ni Westbrook si Robertson bilang tanging dalawang players na nagposte ng average na triple-double sa season.

Ang 36-foot three-pointer ni Westbrook sa pagtunog ng final buzzer ang nagtakas sa Thunder at tuluyan nang nagpatalsik sa Nuggets sa playoffs.

Sa Atlanta, buma­ngon ang Hawks mula sa 26-point deficit para balikan ang Cleveland Cavaliers sa overtime, 126-125.

Pinamunuan ni Paul Millsap ang pagbangon ng Hawks mula sa 67-93 pagkakabaon sa third quarter patungo sa pagpuwersa sa Cavaliers sa extra period.

Nakuha ni LeBron Ja­mes ang kanyang ikaanim at huling foul sa overtime na sinamantala ng Atlanta para talunin ang title holder sa ikalawang sunod nilang paghaharap.

Ito ang ikatlong dikit na panalo ng Hawks (42-38) na nakakuha ng 22 points kay Tim Hardaway Jr.

Nagtala naman si Ja­mes ng triple-double mula sa kanyang 32 points para sa Cavaliers, 16 rebounds at 10 assists, samantalang kumamada si Kyrie Irving ng 45 markers at nagtala si Kevin Love ng 11 at 15 rebounds.

Sa iba pang laro, tinalo ng Toronto Raptors ang New York Knicks, 110-97; dinaig ng Phoenix Suns ang Dallas Mave­ricks, 1124-111 at ginupo ng Houston Rockets ang Sacramento Kings, 135-128.

vuukle comment

WESTBROOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with