^

PSN Palaro

Diretsong tres sa ROS

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa isang pagkakataon ay hindi itinira ni Jewel Ponferrada ang isang libreng jump shot sa fourth quarter.

At nang ipinasok ni Rain or Shine coach Caloy Garcia si Jay Washington bilang kapalit ni Ponfe­rrada ay kumonekta ang veteran forward ng dalawang krusyal na three-point shot at mahalagang supalpal kay Blackwater import Greg Smith sa dulo ng final canto.

Pinatumba ng nagde­depensang Elasto Painters ang minamalas na Elite, 95-88 para sa ka­nilang ikatlong dikit na pa­nalo at sumosyo sa li­derato ng 2017 PBA Commissio­ner’s Cup ka­gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

“I guess the story was the big shot of Jay-Wash,” sabi ni Garcia kay Wa­shington na tumapos na may 6 points mula sa da­lawa niyang triples.

“They executed, but still, we can’t be happy with the way we’re playing.”

Ito ang pangatlong sunod na ratsada ng Rain or Shine para makasama sa itaas ng team standings ang Meralco sa magkapareho nilang 3-0 kartada.

Kumolekta si balik-import Shawn Taggart ng 26 points at 13 rebounds, habang nag-ambag sina Jericho Cruz at Maverick Ahanmisi ng tig-12 mar­kers.

Nalaglag naman sa ilalim ang Blackwater, nakahugot kay Smith ng 34 points at 20 boards, kasama ang NLEX sa magkatulad nilang 0-3 baraha.

Naging dikdikan ang pagtutuos ng dalawang tropa sa kabuuan ng laro bago kinuha ng Elasto Painters ang 90-87 abante mula sa triple ni Washington sa 2:34 minuto ng final canto.

Ang split ni Smith ang nagdikit sa Elite sa 88-90 sa huling 1:51 minuto.

Muli namang tumipa ang 6-foot-7 na si Wa­shington ng tres para ibigay sa Rain or Shine ang 93-88 bentahe sa nala­labing 1:39 minuto.

Tuluyan nang sinel­yuhan ng Rain or Shine ang panalo sa Blackwater matapos ang agaw at fastbreak layup ni Cruz, umiskor ng 10 points sa third quarter.

Rain or Shine 95 – Taggart 26, Ahanmisi 12, Cruz 12, Yap 11, Belga 9, Chan 8, Tiu 8, Washington 6, Norwood 2, Ponferrada 1, Almazan 0 Blackwater 88 – Smith 34, Cervantes 12, Pascual 10, Belo 7, Buenafe 7, Pinto 7, Sena 6, Sumang 3, Aguilar 2, DiGregorio 0, Forrester 0, Gamalinda 0, Miranda 0

Quarterscores: 26-29; 44-47; 68-70; 95-88.

JEWEL PONFERRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with