HEAD Junior Sattelite Circuit
MANILA, Philippines - Dadalhin ang 19th HEAD Junior Tennis Satellite Circuit sa 12 major cities sa buong bansa mula sa Mindanao, Visayas hanggang Luzon na magsisimula sa Marso 20 sa Cagayan De Oro City.
Iniimbitahan ng nag-oorganisang HEAD, ang leading global brand para sa premium tennis equipment at ng local distributor nitong Dynamic Sports, ang mga batang tennis players na lumahok at maging miyembro ng grassroots tennis program.
Inaasahan ni Liza Tang-Yuquico, ang Managing Director ng HEAD Philippines, na lalahok ang mga batang lalaki at babae sa mga age categories sa taunang torneo na pinagmulan nina Filipino tennis stars Jeson Patrombon at Francis Casey Alcantara.
“On our 19th year, our goal is to continue to discover more young talented tennis players around the country and help them achieve their dreams,” sabi ni Tang- Yuquico. “We have always been very proud to become part of tennis development in the country.”
Magsisimula ang junior tennis satellite competition sa Cagayan De Oro City sa Marso 20-24 kasunod sa Davao City sa Marso 26-30 at sa Isulan sa Abril 1-5 na magpapasinaya sa Visayas leg sa Cebu sa Abril 7-11.
Hahataw naman ang torneo sa Iloilo sa Abril 17-21 at sa Bacolod City sa Abril 23-27.
Magbubukas ang Luzon leg sa Naga sa Abril 29 hanggang Mayo 3 kasunod sa Vigan sa Mayo 5-9; Baguio City sa Mayo 11-15; La Union sa Mayo 17-21; Olongapo sa Mayo 23-27; at sa Manila sa Mayo 29-Hunyo 4.
- Latest