^

PSN Palaro

Cignal may misyon sa Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig City)

11 a.m.  - Batangas vs Cignal

1 p.m. - Victoria Sports vs AMA

MANILA, Philippines - Pakay ng Cignal-San Beda College na makisalo sa ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa Batangas ngayong umaga sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakasagupa ng Cignal-San Beda ang Batangas sa alas-11 habang magpapang-abot ang AMA Online Education at Victoria Sports sa ala-una ng hapon.

Nasa ikaapat ang Haw­keyes tangan ang 2-1 marka habang nangunguna ang Racal na may malinis na 4-0 baraha kasunod sa ikalawa ang Café Fance at Tanduay na may magkatulad na 3-1 rekord.

“We know that we're fa­cing experienced teams and experienced players here so what we want is for the boys to learn from that and be mature as we go along,” ani Cignal-San Beda coach Boyet Fernandez.

Nais naman ng Ba­tangueños na makabangon mula sa 1-3 pagkakalugmok.

Sa kabilang banda, umaasa ang AMA na ma­dugtungan ang kanilang 69-61 pananaig sa Jose Rizal University.

“Kailangan tuluy-tuloy lang ang ensayo namin dahil alam naming di na kami pwede matalo sa remaining games namin,” wika ni AMA coach Mark Herrera.

Wala nang puwang ang kabiguan para sa Titans kung nais nitong makahirit ng awtomatikong tiket sa semis.

Kaya naman inaasa­hang magbubuhos ng lakas ang Titans sa kanilang mga huling laro sa pangunguna ni leading MVP contender Jeron Teng kasama sina Juami Tiongson, Jay-R Taganas at Gino Jumao-as.

CIGNAL-SAN BEDA COLLEGE

MARK HERRERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with