MANILA, Philippines – Hinikayat ni Rep. Strike Revilla (nasa kaliwa) ng Bacoor ang mga taga Bacoreños na manood at makilahok sa volleyball exhibition game kasama ang tanyag na tao at sikat na artista sa Marso 6 sa Strike Revilla Gymnasium, Molino Blvd., Bacoor, Cavite.
“Suportahan natin ang kampanya ng Pangulong Duterte na labanan at sugpuin ang droga sa ating bansa. Ang palakasan ay isa sa mainam na solusyon upang makaiwas dito,” wika ni Revilla na dating alkalde ng Bacoor.
Ang “Duterte Against Drugs (DAD)” sa pamumuno ni Dinky Doo (kanan) ay magsasagawa ng programang pampalakasan kasama ang ilang personalidad tulad ni DILG Asec. Epimaco Densing III, Dangerous Drugs Board (DDB) Sec. Benjamin Reyes at mga artistang sina Jackie Aquino, Jaycee Parker, Ynez Veneracion, Glydel Mercado at maraming pang iba.
Si Revilla ay isa sa board of trustees ng DAD.