International debut ng URCC eere sa S+A channel ng ABS-CBN

MANILA, Philippines - Itinakda ng Universal Reality Combat Championship (URCC), ang pinakamatandang MMA promotions outfit sa Asya, ang kanilang pinakabagong fight card na tinaguriang “URCC BETS: Battle Extreme Tournament of Superstars” sa Enero 28 sa Casino Filipino Pavilion at ipapalabas sa S+A channel ng ABS-CBN.

Ang naturang fight card ay babanderahan ng pakikipagtuos ni URCC legend Caloy “Bad Boy” Baduria laban sa bagitong si Jessdan Dela Pena at ang pagharap ni Arvin “Asintado” Chan kay Ukranian Askar “No Mercy” Mozharov.

Mapapanood ang “URCC 29: Conquest” sa sports channel sa free TV sa ganap na ala-9 ng gabi sa S+A channel ng ABS-CBN.

Abangan ang umaatikabong aksyong handog ng “URCC BETS: Battle Extreme Tournament of Stars” sa January 28 na pangungunahan ng bakbakan nina Caloy “Bad Boy” Baduria laban kay Jessdan Dela Pena at Arvin “Asintado” Chan kontra Askar “No Mercy” Mozharov sa Casino Filipino Pavillion.

Huwag din palampasin ang pag-ere ng US debut ng URCC na “URCC 29: Conquest” sa parehong araw sa S+A na magsisimula sa ganap na alas-9 ng gabi.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

Show comments