Wesley patuloy ang pagsosolo

MANILA, Philippines – Napatatag ni Grand Master Wesley So ang kapit sa solong pamumuno matapos ang sixth round ng 2017 Tata Steel Masters Chess Tournament na ginaganap sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Sapat ang draw ni So laban kay GM Baskaran Ad­hiban ng India para manatili sa tuktok ng standings hawak ang 4.5 puntos.

Magkasalo pa rin sa ikalawang puwesto sina defen­ding champion GM Magnus Carlsen ng Norway at GM Pavel Eljanov ng Ukraine na may magkatulad na apat na puntos.

Nauwi rin sa draw ang sixth-round games nina Carlsen at Eljanov kontra kina GM Levon Aronian ng Ar­menia at GM Sergey Karjakin ng Russia, ayon sa pag­kakasunod.

Nakatali sa three-way tie sa fourth place sina Aronian, GM Wei Yi ng China at GM Anish Giri ng Netherlands tangan ang pare-parehong 3.5 puntos, samantalang na­sa ika­-pito sina Karjakin, GM Pentala Harikrishna ng India, GM Dmitry Andreikin ng Russia at GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland bitbit ang tigagatlong puntos.

Solo ni Adhiban ang ika-11 (2.5 points) kasunod si GM Ian Nepomniatchtchi ng Russia (2.0 points), GM Richard Rapport ng Hungary (1.5 points) at GM Loek Van Wely ng Netherlands (1 point).

Show comments