Milo BEST Center lalarga sa 3 venues

MANILA, Philippines – Masiglang sisimulan ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center), ang na­nguna sa pagdaraos ng mga sports clinics sa Pilipinas katuwang ang Milo, ang taon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng award-winning basketball at volleyball clinics sa tatlong venues simula sa Linggo.

Ang mga Saturday-only classes ay gagawin sa Ateneo College covered Courts sa alas-8 hanggang alas-11 ng umaga mula E­nero 7 hanggang Pebrero 25 para sa basketball (Levels 1, 2, 3, 4) at volleyball (Levels 1, 2 at 3  at Preparatory Level).

Bibisita rin ang Best Center sa Xavier School sa parehong petsa sa ganap na ala-1 hanggang alas-4:30 ng hapon para sa Preparatory Level at Levels 1, 2 at 3 para sa basketball.

Ang mga Sunday-only classes ay idaraos sa Starmall Alabang simula sa Pebrero 8 hanggang 26 sa ganap na ala-1 hanggang alas-4 ng hapon sa basketball (Preparatory Level at Levels 1, 2 at 3).

Ang Best Center ay tumanggap ng Olympism Award mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at isang Hall-of-Fame awardee ng Philippine Sportswriters Association.

Show comments