^

PSN Palaro

IBF title nakuha rin ni Melindo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matamis na nairehistro ni Milan Melindo ang unanimous decision win laban kay Fahlan Sakkreerin ng Thailand upang mahablot ang International Boxing Federation interim light-flyweight belt nitong Sabado ng gabi sa Cebu Coliseum.

Pumabor ang tatlong hurado sa 28-anyos Pinoy pride kung saan nakuha nito ang 117-111, 117-111 at 115-113 desisyon para umangat sa 35-2 win-loss record tampok ang 12 knockouts.

Agresibo si Melindo sa buong panahon ng laban mata­pos magpakawala ng malulupit na kumbinasyon upang pulbusin ang Thai fighter.

Sinubukang sumabay ni Sakkreerin subalit hindi sapat ang inilabas nitong lakas para pigilan ang matikas na kamada ni Melindo.

Posibleng makaharap ni Melindo sa kanyang susunod na laban si reigning IBF titlist Akira Yaegashi ng Japan. Sa katunayan, dumating sa venue si Japanese promoter Joe Koizumi para sa posibleng bakbakan nina Yaegashi at Melindo.

Nauna nang nabigo si Melindo sa kanyang unang dalawang pagtatangka sa IBF title makaraang lumasap ito ng kabiguan kina Juan Francisco Estrada via unanimous decision noong 2013 at kay Javier Mendoza via technical decision noong 2015.

Nagtala rin ng panalo ang magkapatid na sina Jason Pagara at Albert Pagara sa magkahiwalay na laban.

Iginupo ni Jason si Nicaraguan Jose “Quiebra Jicara” Alfaro sa pamamagitan ng first round knockout at namayani naman si Albert kay Raymond Commey ng Ghana via unanimous decision.

vuukle comment

MILAN MELINDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with