Gonzales babawian si Sermona sa rematch

Roberto Gonzales

MANILA, Philippines – Muling magpapalitan ng suntok sina Roberto ‘‘Bad Boy from Batangas’’ Gonzales at Ryan ‘‘Cru­sher’’ Sermona sa kanilang rematch sa Sabado sa Agoncillo covered court sa Agoncillo, Batangas.

Nauna nang pinabagsak ni Sermona (19-8-0, 12 KOs) si Gonzales sa ka­nilang unang pagtutuos no­ong 2012 sa Puerto Ga­lera.

Kumpiyansa naman ang pambato ng Touch Gloves Boxing Gym na si Gonzales na makababawi siya lalo’t gagawin sa harap ng kanyang mga taga-suporta ang boksingan.

‘‘Hindi ko po bibiguin ang mga kababayan ko. Na­tuto na po ako sa a­king pagkakamali sa una na­ming laban,’’ sabi ni Gonzalez, kasalukuyang su­ma­­sakay sa seven-fight winning streak matapos matalo kay Sermona na ti­­nampukan ng pagpapa­tulog kay Arjan Canillas ng ALA Gym para makuha ang Philippine lightweight title noong Marso sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

‘‘Magandang laban ito para kay Gonzales bago su­mabak sa mas malala­king internasyonal laban,’’ sa­bi ni sportsman Elmer Anuran, nag-organisa ng nasabing laban.

Si Anuran ang pangulo ng Saved by the Bell Promotions.

Aminado si Gonzales hindi madaling bawian si Sermona, tubong Hima­may­lan City, Negros Occi­dental.

Huling lumaban si Sermona sa SMX Pasay City noong Setyembre kung sa­an niya pinatumba ang beteranong si Ronald Pastrano.

Lumaban na rin ang 29-anyos na si Sermona sa Japan, Russia, Australia, Romania at Korea.

Samantala, mapapano­od din ang sapakan nina Al Sabaupan at Jhe­ritz Chavez at iba pang ma­gandang laban.

Show comments