Teague inilusot ang Pacers sa OT

Pinagtulungang supalpalin nina Steven Adams at Jerami Grant ng Thunder si Pacers guard Jeff Teague sa NBA.

OKLAHOMA CITY--Nagsulat si Indiana coach Nate McMillan ng isang instruction sa white board na “Scrap” sa Pacers’ locker room noong Linggo.

Isinabuhay naman ito ni Jeff  Teague matapos hu­mugot ng walo sa kanyang 30 points sa overtime para tulungan ang Pacers sa 115-111 panalo laban sa Thunder.

Ito ang unang road victory ng Pacers ngayong season na nangyari kahit wala si star forward Paul George, hindi nakalaro sa ikalawang sunod na pagkakataon bunga ng sore left ankle.

Itinala naman ni Thunder star Russell Westbrook ang kanyang pang-limang triple-double sa season sa tinapos na 31 points, 15 assists at 11 rebounds, ngunit naglista ng 13-of-34 fieldgoal shooting.

Pinantayan ni Teague ang kanyang season sco­ring high at nagdagdag pa ng 9 assists at 6 steals.

Isinalpak niya ang dalawang free throws sa natitirang 4.6 segundo sa regulation para ibigay sa Pacers ang three-point lead.

Nagdagdag si Thaddeus Young ng 20 points, habang may 16 markers si Glenn Robinson kasama ang apat sa extra minutes para sa unang panalo ng Pacers sa anim na road games ngayong season.

Nagtala si Myles Tur­ners ng 15 points kasunod ang 12 ni Monta Ellis para sa pang-pitong panalo ng Indiana sa 14 laro.

Sa iba pang resulta, tinalo ng New York ang Atlanta, 104-94; dinaig ng Portland ang Brooklyn, 129-109; pinaluhod ng Sacramento ang Toronto, 102-99 at binigo ng Denver ang Utah, 105-91.

Show comments