MANILA, Philippines - Nakabalik sa porma ang men’s team nang gulantangin nito ang Nigeria, 3-1, sa ikatlong yugto ng 42nd World Chess Olympiad na ginaganap sa Baku, Azerbaijan.
Naitala ni Grandmaster (GM) Eugene Torre ang 45-move victory laban kay FIDE Master Daniel Anwuli sa Board 3 na siyang nagdala sa Pinoy squad sa panalo.
Nakalikom na ang Pilipinas ng apat na puntos upang muling makapasok sa Top 30.
Nagtala rin ng impresibong panalo sina GMs John Paul Gomez at Rogelio Barcenilla Jr. laban kina FIDE Master Bomo Kigigha at International Master (IM) Oladapo Adu, ayon sa pagkakasunod.
Bahagyang kinabahan ang koponan nang matalo si IM Paulo Bersamina kay Candidate Master Adeyinka Adesina sa Board 4.
Masuwerte na lamang at nariyan si Torre upang maisalba ang panalo.
Nauna nang natalo ang Pilipinas sa Paraguay sa second round.
Sunod na makakasagupa ng Pinoy woodpushers ang Costa Rica sa ikaapat na yugto ng torneong may basbas ng International Chess Federation.
Sa kabilang banda, bigo ang women’s team na maipagpatuloy ang magandang ratsada matapos yumuko sa seventh seed India, 5-3.5.