Gilas training isasara ni Baldwin sa publiko
MANILA, Philippines – Isang closed-door practice session ang gagawin ni coach Tab Baldwin para sa Gilas Pilipinas simula ngayong araw.
Ayon kay Baldwin, ito ay para maihinto ang pag-a-upload ng mga videos sa social media ng kanilang ginagawang pag-eensayo para sa darating na 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa July 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City
“Now that we’ve got our team together, it’s time now to start restricting the flow of information from our practices. It’s always going to happen and that time has arrived now,” wika ni Baldwin matapos ang kanilang practice kahapon ng umaga sa Meralco Gym.
Nag-alala si Baldwin kaugnay sa mga videos na nakikita sa social media ng mga fans at maski na ang media na nauna nang pinapayagang manood sa practice venues.
“A lot of videos on pieces of our practices are showing up on Twitter. It cannot happen whether they come from the media or whether they come from those sitting at the stands,” wika ni Baldwin.
“It’s not an antagonistic situation. It’s a reality situation that people sitting there can have their phones out and start taking videos. We don’t want all those clips showing up,” dagdag pa nito.
Nauna nang ginawa ng Gilas ang kanilang closed-door practice sa Kerry’s Gym sa Shangri-La sa The Fort noong Sabado matapos ilunsad ang Nike apparel na gagamitin ng Gilas para sa Manila OQT.
Sa kanilang ginawang paghahanda para sa FIBA Asia Championship noong nakaraang taon ay itinago ng Nationals ang kanilang ensayo sa Cebu.
Isa hanggang dalawang practice sessions ang handang ipakita ni Baldwin bilang pagpapahalaga sa suporta ng mga fans.
“It may not be a system practice but more of a shooting practice,” paglilinaw ni Baldwin.
“I hope everyone understands and takes into consideration our position. We’re trying build a team that’s going to be successful in representing the country and we will do that intelligently,” wika pa nito.
Sumama na si Blatche sa three-hour workout ng Gilas PIlipinas kasama si Raymond Almazan ng Rain or Shine.
- Latest