Mighty Sports diretso sa PCBL Finals; Sta. Lucia humirit pa sa Jumbo Plastic

Laro Ngayon (Marikina Sports Center)

6 p.m.  Sta. Lucia vs Jumbo Plastic

 

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inupuan ng Mighty Sports ang isang puwesto sa finals makaraang patalsikin ang kulang sa taong   Euro-Med squad, 98-87 sa Game 2 ng  best-of-three semifinals ng PCBL Chairman’s Cup sa Marikina Sports Center.

Naging mainit ang pagbabalik ni Kiefer Ravena nang pumitas ng 17 puntos at apat na assists sa likod ng 33 puntos na kinamada ni Bright Akhuetie para ibandera ang Mighty Sports sa 2-0 pagwalis sa Euro-Med.

Humatak din si Akhuetie ng 14 rebounds sa torneong ito na suportado ng  Hahn Manila, Spalding, Ambucore, During’s Barbeque and Restaurant, LGR at Leatherman.

Bunga ng panalo, hihintayin na lang ng Mighty Sports ang mananalo sa pagitan ng Jumbo Plastic at Sta. Lucia sa kanilang serye na nauwi sa do-or-die game  matapos ang 68-62 pananaig ng Realtors sa Game 2.

Hindi naasahan ng Euro-Med ang serbisyo ni import Ola Adeogun at head coach Yong Garcia na kapwa sinuspindi at pinagmulta ng tig-P2,000 matapos tawagan ng ikalawang technical foul sa tournament.

Show comments