MANILA, Philippines – Tumataginting na P450 milyon ang inilaan ng provincial government ng Albay para masiguro ang matagumpay na pagtataguyod ng 2016 Palarong Pambansa sa Abril 10 hanggang 16.
Ito ang unang pagkakataon na magiging punong-abala ang Albay kaya’t nais ng probinsiya na magkaroon ng magandang karanasan ang mahigit 20,000 delegadong darating mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
“We have allocated P450 million for the Palarong Pambansa to ensure the successful staging of the multi-sporting event. We are expecting more than 20,000 delegates to attend the event,” ani Albay governor Joey Salceda.
Kabilang sa mga ipinagawa ng probinsiya ang state-of-the-art sports complex at swimming pool na siyang pagdarausan ng centerpiece athletics at swimming competitions.
Nakikipagtulungan din ang Albay Palarong Pambansa organizing committee sa iba’t ibang sector upang mabantayan ang seguridad at kaligtasan ng mga dadalo kabilang na ang pagtatayo ng mga medical booths.
Nais din ni Salcedo na mapalakas ang turismo sa naturang lugar kung saan makikita ang Mayon Volcano.
Kamakailan ay lumagda na ang Department of Education (DepEd) at provincial government of Albay sa memorandum of agreement (MOA).