^

PSN Palaro

Pacquiao determinadong i-knockout si Bradley

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Determinado si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na talunin si world welterweight king Timothy Bradley Jr. bago niya lisanin ang boxing na kanyang pinagbuhusan ng 20 taon.

Ito ang sinabi ni Pacquiao sa kanyang pagbabalik mula sa press tour sa United States para paingayin ang kanilang pangatlong paghaharap ni Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Start na tayo siguro ng training para maipanalo natin itong huling fight,” wika ng 37-anyos na si Pacquiao, nagdesisyon nang magreretiro matapos ang kanilang ‘trilogy’ ng 33-anyos na si Bradley, sa kanyang pagbabalik sa bansa kasama ang asawang si Jinkee noong Sabado ng gabi.

Matapos ang naturang laban kay Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization welterweight king, ay sisimulan naman ni Pacquiao ang kanyang pangangampanya para sa pangarap na posisyon sa Senado sa national elections sa Mayo.

Bubuksan ni ‘Pacman’ ang kanilang training camp ni chief trainer Freddie Roach sa susunod na buwan sa General Santos City bago lumipat sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California dalawang linggo bago ang kanilang upakan ni Bradley.

ANG

BRADLEY

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

LAS VEGAS

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY JR.

UNITED STATES

WILD CARD BOXING GYM

WORLD BOXING ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with