Heat sinilaban ng triple-double ni Westbrook

OKLAHOMA CITY-- Muling nagposte si guard Russell Westbrook ng triple-double at kagaya ng inaasahan ay nanalo ang Thunder.

Itinala ni Westbrook ang kanyang pangalawang sunod na triple-double para tulungan ang Oklahoma City sa 99-74 paggiba sa Miami Heat.

Humakot ang explosive point guard ng 13 points, 15 assists at 10 rebounds para sa kanyang pang-limang triple-double sa season at ika-24 kanyang career.

May 20-4 record ang Thunder kapag gumagawa  si Westbrook ng triple-double at 5-0 ngayong season.

“It just means that it’s great that we’re having good wins,” wika ni Westbrook. “We’re playing together as a team, moving in the right direction on both sides of the floor.”

Tumapos naman si Thun­der forward Kevin Durant na may 24 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Serge Ibaka ng 19 points kasunod ang 18 ni Dion Waiters.

Ang Thunder ang na­ging ikatlong koponan na nakapaglista ng 30 panalo ngayong season.

Pinamunuan ni D­wyane Wade, hindi naglaro noong Biyernes kontra sa Denver Nuggets dahil sa shoulder soreness, ang Heat sa kanyang 22 points.

Ipinagdiwang ni Wade ang kanyang ika-34 ka­arawan.

Nagdagdag naman si Hassan Whiteside ng 14 points, 11 rebounds at 4  blocks para sa Miami.

Kinuha ng Oklahoma City ang 44-42 abante sa halftime sa likod ng 15 points at 9 rebounds ni Du­rant, habang may 18 markers si Wade sa panig ng Miami.

Nagtuwang sina Durant, Ibaka at Westbrook para ilayo ang Thunder sa 66-50 sa third period at hindi na nilingon ang Heat.

Show comments