Lausa inagaw ang korona kay Pitpitunge

MANILA, Philippines - Si Jenel Lausa ang bagong Pacific X-Treme Combat flyweight champion.

Ito ay matapos talunin ni Lausa ang kababayang si Pacific X-Treme Combat bantamweight titlist Crisanto Pitpitunge mula sa isang split decision win sa PXC 51 noong Sabado sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Kumolekta si Lausa ng 48-47 at 48-47 iskor mula sa dalawang judges, habang nakakuha si Pitpitunge ng 48-47 sa isang judge para kunin ang bakanteng titulo na inalis kay Alvin Cacdac matapos mabigong makuha ang timbang sa nakaraang PXC 48.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Lausa at pang-anim sa kabuuan sa walong laban, habang nagwakas ang tatlong sunod na ratsada ni Pitpitunge para sa kanyang 8-4 (win-loss).

Naging maaksyon ang bakbakan ng 27-anyos na si Lausa, tubong Concepcion, Iloilo at ni Pitpitunge ng Baguio City-based Team Lakay sa loob ng five rounds.

“He’s one of the fighters I looked up to and I respect him a lot,” wika ni Lausa, ang No. 13 ranked sa professional boxing sa Southeast Asia, kay Pitpitunge

Samantala, bumawi si Rolando Dy, anak ni boxing great Rolando Navarrete, mula sa dalawang sunod na kamalasan nang kunin ang unanimous decision win kay Miguel Mosquera sa undercard.

Nauna nang natalo si Dy kay Kyle Aguon ng Guam.

Nabigo si Aguon via unanimous decision kay Korean Kwan Ho Kwak sa co-main event.

Show comments