^

PSN Palaro

Bulls inihatid nina Gasol, Rose sa diretsong 6 panalo

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO--Humakot si center Pau Gasol ng 17 points at 18 rebounds at umiskor si guard Derrick Rose ng 18 points para tulungan ang Bulls sa 101-92 paggiba sa Boston Celtics at ilista ang kanilang pang-anim na sunod na panalo.

Gumamit ang Bulls ng ratsada sa third quarter para sa kanilang pinakamahabang winning streak sa season at ipalasap sa Celtics ang ikaapat nitong kabiguan sa huling limang laro.

Itinala ni Gasol ang kan­yang pang-19 double-double sa season sa harap ng kapwa Spaniard na si Placido Domingo na na­katakdang umawit at makipaghapunan sa basketball star.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 19 points at 10 assists para sa Bulls.

Pinamunuan naman ni Jae Crowder ang Boston sa kanyang 17 points.

Sa Sacramento, isinuko ng Sacramento Kings ang itinayong 27-point second-half lead bago nakabangon at talunin ang Los Angeles Lakers, 118-115 sa hu­ling laro ni Kobe Bryant sa California capital.

Humakot si DeMarcus Cousins ng 29 points, 10 rebounds at 7 assists, habang isinalpak ni Rajon Rondo ang go-ahead basket para igiya ang Kings sa panalo.

Tumapos naman si Bryant na may 28 points mula sa 10-of-18 fieldgoal shooting, ngunit naupo sa bench nang rumesbak ang Lakers para agawin ang kalamangan.

Sa Houston, kumamada si James Harden ng 33 points para akayin ang Rockets sa kanilang ikalawang panalo kontra sa Utah Jazz sa loob ng apat na araw sa bisa ng 103-94 tagumpay.

Nauna nang nanalo ang Rockets, 93-91 noong Lunes sa Salt Lake City sa likod ng 30 points ni Harden.

Naglaro nang wala si Dwight Howard na may lower back tightness, tinalo ng Rockets ang Jazz sa ika-10 na pagkakataon sa 12 nilang pagtutuos.

Sa Atlanta, tumapos si Ken Bazemore ng 22 puntos at nag-ambag naman sina Paul Millsap at Al Horford ng tig-18 puntos para ihatid ang Hawks sa 126-98 panalo sa Philadelphia 76ers at wakasan ang kanilang dalawang sunod na kamalasan.

Umasinta ang Hawks ng 54 percent mula sa field at 42 percent mula naman sa 3-point range laban sa NBA’s worst team.

ACIRC

AL HORFORD

ANG

BOSTON CELTICS

DERRICK ROSE

DWIGHT HOWARD

HUMAKOT

JAE CROWDER

JAMES HARDEN

JIMMY BUTLER

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with