^

PSN Palaro

Ayo, Racela pararangalan sa Collegiate Awards Night

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina Nash Racela ng Far Eas­tern University at Aldin Ayo ng Colegio de San Juan de Letran ang listahan ng mga pararangalan sa gaganaping University Athletic Association of the Philippines-National Collegiate Athletic Association Press Corps Collegiate Basketbal Awards sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Kikilalanin sina Racela at Ayo bilang Coaches of the Year matapos tulu­ngan ang kani-kanilang koponan na masungkit ang kampeo­nato sa dalawang pinaka-prestihiyosong collegiate league sa bansa.

Minanduhan ni Racela ang Tamaraws para suwagin ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa bedisyon ng 2-1 panalo sa kanilang UAAP Season 78 men’s basketball best-of-three championship series.

Naitala ng FEU ang 75-64 panalo sa Game 1 ngunit nakabawi ang UST sa Game 2 para itabla ang serye sa pamamagitan ng 62-56 desisyon.

Subalit matinding lakas ang ibinigay ng Tamaraws sa rubber match, 67-62, upang pormal na makuha ang kanilang ika-20 korona.

Sa kabilang banda, tinu­lungan ni Ayo ang Le­­tran na tapusin ang ka­nilang isang dekadang pagkauhaw sa titulo.

Tinuldukan ng Knights ang dominasyon ng San Beda College sa bisa ng 2-1 panalo sa serye ng NCAA Season 91 men’s basketball para matamis na angkinin ang kanilang ika-17 korona sa pinakamatandang liga sa bansa.

Si Ayo ang ikaapat na rookie coach sa liga na tatanggap ng naturang parangal. Makakasama nito sa listahan sina Ato Agustin (2009), Juno Sauler (2013) at Boyet Fernandez (2013).

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ATO AGUSTIN

AYO

BOYET FERNANDEZ

COACHES OF THE YEAR

FAR EAS

JUNO SAULER

NASH RACELA

RACELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with