^

PSN Palaro

Ateneo hahanap ng solusyon sa isyu ni Baldwin sa BCAP

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t walang patakaran ang UAAP na nagba­bawal sa mga koponan na kumuha ng foreign coach,  handa pa rin ang Ate­neo De Manila University na sumunod sa 2002 Court of Appeals ruling.

Sinabi kahapon ni Ate­neo team manager Chris­topher Quimpo na susunod sila sa patakaran ng Basketball Coaches Association of the Philippines ukol sa kanilang paghugot kay American-Kiwi Tab Baldwin bilang head coach ng Blue Eagles.

Matatandaang nagba­bala si BCAP president Al­francis Chua sa Ateneo na hindi nila papayagan si Baldwin, coach ng Gilas Pilipinas, na maging mentor ng Blue Eagles.

Sinabi ni Chua na pa­yag siyang makipag-usap sa Ateneo officials para ipa­liwanag sa kanila ang umi­iral na court ruling at ma­kahanap ng magandang solusyon sa isyu kay Baldwin.

“This can be resolved through discussions and talks and I’m willing to sit down with them, make cla­rifications and explain everything,” sabi ni Chua.

Ayon naman kay Ricky Pal­ou, ang kinatawan ng Ate­­neo sa UAAP board, ka­salukuyan na silang nag­hahanap ng solusyon.

Hindi pa alam kung ba­bawiin ng Ateneo ang pag­kuha nila kay Baldwin bilang coach at sa halip ay gawin siyang team consultant kasabay ng pagluluklok sa isang Filipino coach.

Hindi pinayagan ng BC­AP na maiupo ng Barako Bull at San Miguel bilang coach sina Serbian Rajko Toroman at American Todd Purves, ayon sa pagkaka­su­nod.

ACIRC

AMERICAN TODD PURVES

AMERICAN-KIWI TAB BALDWIN

ATENEO

BALDWIN

BARAKO BULL

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BLUE EAGLES

CHUA

COURT OF APPEALS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with