^

PSN Palaro

PBA Best Player si Wilson

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi siya isang mala­king power forward kum­para sa iba.

Ngunit nagagawa naman niya ang kanyang trabaho para sa Barako Bull.

Humakot ang 6-foot-2 na si Willy Wilson ng mga ca­reer-best game na 28 points at 20 rebounds para tulungan ang Energy sa 105-98 overtime win laban sa Talk ‘N Text Tropang Tex­ters noong nakaraang Hu­webes sa 2015 PBA Philippine Cup.

Dinaig ng 12-year vete­ran ang mga naglalakihang sina Talk ‘N Text rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario sa naturang panalo ng Barako Bull.

“I’m not a big stats guy. If I get the stats, great, as long as it contributes to a win,” sabi ni Wilson na nagtala ng mga averages na 16.3 points, 12.8 rebounds at 3.1 assists.

Ang naturang pagbibida ni Wilson, ang fourth overall pick ng Alaska noong 2004 PBA Draft mula sa De La Salle University, ang nagbigay sa Energy ng 4-4 record.

“If I get the stats but we don’t win, it’s all for no­thing. Nobody’s gonna read about, oh, Willy Wilson got this and that if the team lost,” ani Wilson.

Mula sa Alaska ay nag­laro ang PBA journeyman sa San Miguel at Barangay Ginebra bago dinala sa Ba­rako Bull.

Si Wilson ang hinirang na Accel-PBA Press Corps Player of the Week at tinalo sina PBA superstars June Mar Fajardo ng San Miguel, Greg Slaughter ng Ginebra at Star playmaker Mark Bar­roca.

Kumolekta si Fajar­do ng season-high na 35 points sa 102-86 paggiba ng Beermen sa Mahindra, Enforcers.

ACIRC

ANG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DE LA SALLE UNIVERSITY

GREG SLAUGHTER

IF I

JUNE MAR FAJARDO

SAN MIGUEL

SHY

WILLY WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with