MANILA, Philippines – Tuluyan nang sinelyuhan ng Philippine Christian University ang puwesto sa semifinals sa bisa ng 91-81 pananaig laban sa Macways Travel sa 5th DELeague Basketball Tournament nitong Huwebes sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Tumabla ang Dolphins sa Sta. Lucia Land Inc., nanalo sa Austen Morris Associates, 70-64 sa 4-1 kartada pero napasakamay ng una ang top spot sa Group B matapos talunin ang Realtors, 97-91 sa elimination noong Oktubre 27.
Bunga nito, awtomatikong umentra ang Dolphins sa Final Four, habang dadaan naman ang Realtors sa quarterfinal phase.
Sa pagbubukas ng quarterfinals ng ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona, maglalaban ang Hobe Bihon-Cars Unlimited at Our Lady of Fatima University sa unang laro at Sta. Lucia at Austen Morris sa ikalawang laro.