Tadlas, Aclo nagbida sa Milo leg

BUTUAN CITY, Philippines – Inangkin nina Bobby Tadlas at Mi­chell Ann Aclo ang unang puwesto sa 21-kilometer events ng 39th National Milo Marathon qualifying leg kahapon dito.

Nagsumite si Tadlas ng bilis na 01:13:25 para talunin sina Ramil Neri (01:13:32) at Arlon Gape (01:17:02).

Naorasan naman si Aclo ng tiyempong 01:42:13 para ungusan sina Jennifer Red Salceda (01:51:23) at Janette Mendoza (01:55:11).

Kapwa ibinulsa nina Tadlas at Aclo ang premyong  P10,000 at ang tiket para sa Milo National Finals na na­katakda sa Disyembre 6 sa Angeles, Pampanga.

Ang hihiranging Milo Marathon King at Queen ay ipapadala sa United States at mabibigyan ng pagkakataong makasali sa bigating 2016 Boston Marathon.

Simula noong 2009 ay palagi nang sumasali ang 24-anyos na si Tadlas, tubong Bukidnon, sa Milo Ma­rathon.

Ang pinakahuling yugto ng Milo Marathon ay gagawin sa Nobyembre 22 sa Cagayan De Oro.

Show comments