Hobe inilampaso ang OLFU sa 5th DELeague

MANILA, Philippines – Dinurog ng Hobe Bihon-Cars Unlimited ang Our Lady of Fatima University, 117-63  para manatiling walang talo sa 5th DELeague Basketball Tournament noong Huwebes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Gumawa ng 23 puntos and dating PBA player na si Ronnie Zagala at umiskor ng 22 si Rodrigue Ebundo  para pangunahan ang Hobe Bihon-Cars Unlimited na nagkampeon sa liga noong 2012 at 2013.

Kontrolado ng Hobe ang kabuuan ng laro para ipatikim sa OLFU ang pangalawang dikit na pagkatalo.

Nagwagi ang Far Eastern University-NRMF laban sa Metro Pacific Toll Corporation, 88-63 isa pang laro sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Show comments