Laro Ngayon (Philsports Arena Pasig City)
3 p.m. Globalport vs Barako Bull
5:15 p.m. Star vs NLEX
MANILA, Philippines – Nakasama si playing coach Manny Pacquiao sa starting five ng Mahindra at naglista ng 0-of-4 fieldgoal shooting sa loob ng 6:55 minuto.
At hindi ito naging motibasyon ng Enforcers na nagresulta sa 98-94 panalo ng Alaska Aces sa 2015 PBA Philippine Cup noong Sabado ng gabi sa Al Wasl Sports Club sa Dubai, United Arab Emirates.
Sumosyo ang Alaska sa Rain or Shine sa liderato sa magkatulad nilang 3-0 baraha kasunod ang NLEX (2-0), nagdedepensang San Miguel (2-1), Barako Bull (1-1), Globalport (1-1), Talk ‘N Text (1-1), Star (1-2), Blackwater (1-2), Meralco (0-2), Barangay Ginebra (0-2) at Mahindra (0-3).
Umasa ang Aces kina JVee Casio, Vic Manuel at Calvin Abueva matapos makatabla ang Enforcers sa 87-87 sa huling 1:27 minuto ng fourth period.
Pinamunuan ni Manuel ang Alaska sa kanyang 17 points at humakot si Abueva ng 15 markers at 13 rebounds.
Lumamang ang Aces ng 15 puntos sa first half bago nakatabla ang Enforcers sa 87-87.
Kasalukuyan pang nilalabanan ng Alaska ang Barangay Ginebra habang isinusulat ito.
Samantala, nakatakdang sagupain ng NLEX ang Star ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang salpukan ng Barako Bull at Globalport sa alas-3 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Alaska 98 – Manuel 17, Abueva 15, Casio 12, Baguio 8, Thoss 7, Dela Rosa 7, Menk 7, Dela Cruz 6, Hontiveros 6, Jazul 5, Banchero 4, Magat 4, Baclao 0, Exciminiano 0.
Mahindra 94 – Revilla 19, Yee 17, Canaleta 12, Ramos 12, Bagatsing 8, Guinto 6, Pinto 5, Paredes 5, Laure 4, Hubalde 4, Webb 2, Pacquiao 0, Baloria 0, Alvarez 0.
Quarterscores: 31-22; 53-40; 70-66; 98-94.